freaky freaky freaky friday



Hindi nga naman talaga ako papabayaan ng universe oh. Nung Friday nga lang eh - isang patunay.

Bukod sa gutom na gutom na 'ko at pagod na pagod na at antok na antok na eh heartbroken pa 'ko. Medyo di 'ko na nga na-feel ang pagpagaspas ng tren sa EDSA, di ko na na-feel na nasa Ayala na pala ko at sa isang kurap lang eh nakasakay na'ko sa bus.

Naaalala ko pa, sobrang down talaga 'ko. Shattered dreams and broken heart talaga, kaso walang one last cry dahil wala nang lakas ang tear ducts ko para magproduce ng tears.

Pero masaya sana 'ko dahil nga madali akong nakasakay ng bus at sa pinakaunahan pa ko nakaupo, sandwich ng dalawang lalakeng sobrang nakaslouch na sa upuan halos nakahandusay na. Balak ko sanang matulog lang the whole trip dahil sa panlulumo ko nga. But no. Hindi ko nagawa yun.

Noong nasa bandang Magallanes na eh bigla akong inapproach nitong katabi ko sa kanan. Mga nasa late 20's na siguro siya, semi-kalbo, medyo mataba, medyo maputi (kung ikukumpra sa isang tunay na kayumangging Pilipino), naka-puting t-shirt lang, shorts at tsinelas. Tinanong niya'ko kung ano'ng oras na at akmang sumensyas kung may relo ba 'ko. Umiling lang ako tapos narinig kong bumubulong siya na "Mga 9 na kaya".

Sa loob, loob ko lang "Siyet, what a pick up line i-tech. Taena, ayokong makipag-usap sa'yo."

At yun nga, di ako nagkamali, before I knew it kinakausap na niya ko at ako naman helplessly eh sumasagot sa mga tanong niya. Sinundan din pala niya yun ng isa pang pick-up line na "I think, I've seen you before" na sobrang gasgas na at pwede nang ipampatulog.

Hindi ko na maalala kung paano niya ko tuluyang kinausap. Tinanong niya yata ako kung taga-San Pedro rin ako. Tapos nung nagbayad ako at sabi ko estudyante, tinanong din niya kung saan ako nag-aaral. Tapos nung sinabi kong sa UP, hayun na naflood na ang utak ko ng napakarami pa niyang tanong.

Okay lang naman talaga sa'ken ang makipag-usap sa strangers. Hindi naman ako suplada at isa pa madalas mangyari yun saken since nagbabyahe nga ako araw-araw from San Pedro, Laguna to Diliman, Quezon City. Kaya lang naman my gosh, this guy eh may malicious intentions naman sa'ken (at no, hindi ako nagfifeeling this time). Tanungin daw ba ko kung may boyfriend na 'ko at kung ilan at kung serious daw ba at kung mas accessible daw ba sa dates pag nag-dorm na lang ako. To which sinabi ko namang oo may boyfriend na ko, taga-UP rin, mas matanda saken ng konti at serious ang relationship namin (na syempre pawang mga imbento lamang dahil umaasa lang naman ako na baka pag sinabi kong may bf na ko eh tatantanan na niya ko). Itanong din daw ba saken kung may mga celebrity ba na nag-aaral sa UPD at nung sinabi kong si Paola Peralejo, tinanong niya kung sino raw yun at kung maganda ba. Nung sinabi kong oo maganda, sabi niya "Talaga? eh ikaw how do you describe yourself?" sabi ko naman "Ok lang" dahil nga pinapahalata kong ayoko siyang kausap kaya maikli lang ang mga sagot ko. Sabay sabi niya "Beautiful?" sabi ko naman "Ok lang, oo naman". At ang sagot niya eh "Yeah, dapat lang. I think you're beautiful. Everybody is unique. Ako, hindi ako gwapo pero hindi rin naman ako pangit".


Pinuri din niya ko ng malaman niyan Film ang course ko at hindi nursing or whatever care-giving-related course. Tinanong din niya ko ng mga bagay-bagay tungkol sa poverty, politics, local and imported products and what not. Pati nga pwet ng babaeng dumaan eh tinanong niya pa ko kung maganda ba kasi ang firm daw at nasagi siya.



Dinescribe niya pa saken kung saan nakatayo ang business niya. May pagawaan daw siya ng cellphone at ukay-ukay. Tsaka pala pabalik-balik din daw siya sa ibang bansa at dito nga sa Pinas kaya raw hindi niya natapos ang course niya sa Benilde at kaya yata panay ang Ingles niya. Syempre pa tinanong din niya ang pangalan ko. Sabi ko ako si Andrea, isang pangalan na pinangarap ko noong bata pa lang ako. Haller, wala kaya akong balak sabihin sa kanya ang napakaganda kong pangalan. Isa pa, napaka-rare ng pangalan ko at siguradong iilan lang sa San Pedro ang meron non. Yuck, baka mahanap niya pa ko. Tinanong din pala niya kung may Friendster account ako, sabi ko wala (pero syempre meron talaga). Sabi ko dati pero ngayon wala na. Sabi niya I'm lying daw pero syempre artista ako kaya feeling ko naconvince ko rin siya na wala talaga kong account. Sabi niya, siya raw meron pero hindi siya ang gumawa. Hooo, if I know, gaya-gaya lang siya.


Gusto ko na ngang tumalon sa bus eh at magpasagasa na lang. Ayoko siyang bastusin ng diretsahan (indirectly lang) kase baka resbakan niya ko in any sort of way. Baka rin sundan niya ko sa bahay ko, maging stalker siya o kaya... yuck. Kakaparanoid talaga. Sabi niya pa gusto niya kong makita ulit kaya dalawin ko naman daw siya minsan sa tindahan niya.

Sabi niya rin mabuti raw hindi ako naniniwala sa obsolete na kasabihang "Don't talk to strangers". Besides, harmless naman daw siya. Like hello? harmless ba yung tinatanong mo kung may bf ako? Harmless ba yung pinagpapantasyahan mo sa harap ko, as in explicitly ang mga pwet ng babaeng dumadaan?


Laking pasasalamat ko na nga lang ng bumaba na ko eh hindi siya sumunod. Kung hindi, nako, panic galore na naman ako.


Pero anyway, weird talaga yung nangyari pero hindi naman talaga yun ang point ko (nye!). Ang point ko lang is, at least dahil sa pangyayaring yun eh medyo nawala ang pagkalasing ko. Medyo na-divert ang my-shattered-dreams-and-broken-heart kong drama. At least, hindi ako natuluyang malunod sa sarili kong laway, luha, suka etc. Kay dahil din don eh medyo okay na 'ko ngayon. Medyo naka-recover na. Siguro makalipas ang ilang araw eh talagangfully makakarecover na 'ko (ay, how corny pala this post is after all...).

why oh why

How come you're flirting with him right in front of me?
How could you --?

fairytale bangungot


Natupad na kagabi ang pinapangarap ko - nakapag videoke na naman ako.

Syempre, nung Friday ko lang hiniling yun noh pero wish granted na kaagad. Medyo masaya rin na hindi. Actually, hindi nga eh.

Nakapagvideoke ako dahil nagdespedida ang mga pinsan ko kagabi. Bakasyunista sila galing London at mamayang gabi na nga ang alis nila. Umuwi lang sila dito para umattend ng libing ng isang malapit na kaibigan at syempre pa - para magpatuli (dalawang lalaki kasi sila- 11 at 14 y/o). Actually, yung tuli part lang talaga ang planado. Yung libing hindi kasi biglaan talaga yon.

Kung bakit ba naman kasi kagabi lang naisipan na magvideoke. Yun pa naman ang pinakamasayang part. Kung bakit ba naman kasi kagabi lang humataw sa pag-eenjoy. Kung bakit ba kasi kelan paalis na.

Nakakatuwa yung pinsan kong 10 y/o. Mga luma ang alam niya. Hindi niya alam ang Mr. Suave pero alam niya ang legend na Quando, Quando, Quando. One man show din siya dahil bukod sa kumakanta na eh sumasayaw pa. At ang performance level, nakupo! Iniinterpretative dance din niya ang mga kanta ni Regine Velasquez. Nakakatuwa kasi 1st time kumanta ng isa ko pang pinsang babae na 6 y/o naman. Medyo kakatuto lang noong magbasa at medyo ngayon-ngayon lang siya nahihilig kumanta since pagsasayaw nga talaga ang kanyang expertise.

Masaya kahit mga limang kanta lang ang nakanta ko: ang Don't Dream it's over at Sway na all-time favorite ni mama at pinilit niyang ipakanta sa'ken dahil siguro masyado ng gasgas pag siya na naman ang kumanta, ang Hanggang Ngayon ni Kayla na recently ay favorite ko dahil lang sa simpleng dahilan na may kadalian siyang kantahin (hooo ang yabang) at syempre pa ang To the Moon and Back ng kinababaliwan kong Savage Garden. Nakakasenti kase.

Actually, feeling ko nga nakapangingilabot ang atmosphere kagabi. Nagsasaya ba kami dahil pinipilit namin ang aming mga sarili na mag-iwan ng isang masayang alaala bago umalis na naman ang mga mahal namin sa buhay sa kadahilanan lang na "mas maginhawa ang buhay sa ibang bansa"? Nagsasaya ba kami dahil sa wakas ay sasaya na naman sila dahil bored na bored na sila dito sa Pinas at syempre dun na sila sanay? O dahil ba kahit papano nagpapasalamat kami dahil nagkaroon kami ng pagkakataong magkasama-sama ulit kahit for two weeks lang?

Ayoko na. Nagiging bitter na naman ako. Umiiral na naman ang pagrerebolusyon ko sa sistema ng mundo. Sa kung bakit third world country tayo, sa kung bakit kailangang mapilitan ang mga Pilipino na gambalain ang buhay nila at mangibang-bansa dahil hindi nila matagpuan dito ang buhay na nararapat para sa kanila, sa kung bakit palaging pinapaalala sa''ken ng nanay ko na someday mag-aabroad din ako at yayaman at magreretiro bago ako mag-singkwenta, sa kung bakit sa loob ng labindalawang taon nang pamumuhay ko bilang tao eh iilang beses ko lang nakasama ang tatay ko dahil sa buong panahong yun ay naroon siya sa kung saan-saang lupalop ng mundo at nagpapakadalubhasa sa pagkumpuni ng mga eroplano ng dayuhan,


Sa kung bakit kailangang lunukin ng mga taong naiiwan at lumilisan ang pait at sakit ng katotohanang palaging kailangang mamaalam, at ang kawalan ng pagpipilian...

ye.


Okay. So bagong blog na naman 'to. Kung matagal ka ng "fan" (o, wag ka nang kumontra, iilan lang naman ang nagbabasa ng blogs ko) ng aking blogs ay malamang maguguluhan ka na naman sa bagong sulpot na "branch" na ito. Well, wala lang. Medyo may komosyon kasi sa aking kaloob-looban. Maraming surplus; nagpapanic ako kaya kailangan ko ng isa pang taga-salo.

Masyado rin akong maraming kwento these days na gusto ko sanang medyo i-share (actually, hindi naman talaga. selfish ako eh) at ilayo sa'ken (at yun talaga ang dahilan), gawing intangible at paliparin na lang sa www. Umaasa kasi 'ko na in that way eh mas mababawasan ang surplus at higit sa lahat ang aking pagpapanic.

Pero still, hindi ito madali para sa'ken. Hindi kasi ako sanay ng nagkekwento sa hangin in full details kaya nga mas madalas ginagawa ko na lang metaphorical (kuno) ang mga bagay-bagay. Ayoko ng direct. Masyadong hubad; masyadong boring. Isa pa, hindi kasi ako talaga ganun mag-isip (what do I mean? sige kaw na lang bahala mag-isip).

Pero yun na nga, at least kahit papano, may masusukahan na ako tuwing kumukulo ang tiyan ko - at ito na nga yun (supposedly).

ngunit mushy at mapait


Pwede ko bang sabihing naiinis ako sa'yo? (sinabi ko na nga eh). Ayoko nang magpaka-apologetic pero dahil hindi ako sadyang magagalitin at paranoid, nagiging apologetic pa rin ako.

Naiinis ako sa mga tulad mong super bait, super friendly tapos super - - -
tapos ang totoo super strangers lang naman tayo.

Mabuti kung nakaka-amaze ka lang eh. Kaso hindi. Nakaka-possess ka. Nakakalunod ka. Gusto ko mang isipin na sadyang ganyan ka lang eh on the other hand, pinipilit ko pa ring isiping, hinde, selfish ka lang talaga.

O ako ba ang selfish? Oo na, siguro nga talagang gahaman ako. Gusto kong makuha lahat sa iisang attempt lang. Gusto kong maging akin ka na ngayon - at ngayon na. As in now na. Now na now na now na. Pero syempre nag-iilusyon lang naman ako.


Wala ka naman talaga diyan para maangkin o pangarapin in the first place.

This page is powered by Blogger. Isn't yours?